Tulong at suporta sa Tagalog : Trosolwg
Ano ang census?
Ang census ay isang survey na nangyayari kada 10 taon at naglalarawan sa atin ng sitwasyon ng lahat ng tao at sambahayan sa England at Wales. Magaganap ang susunod na census sa Linggo, ika-21 ng Marso 2021.
Nakakatulong ang impormasyong makokolekta mula sa census sa pagpaplano at pagpopondo ng mga pampublikong serbisyo sa mga lokal na lugar, kabilang ang mga serbisyo sa wika. Halimbawa, maaaring kailanganin ng NHS na magbigay ng mga serbisyo sa pagsasalin at interpretasyon sa ilang partikular na rehiyon.
Ang Office for National Statistics (Tanggapan para sa Pambansang Istatistika) (ONS) ang nagpaplano at nangangasiwa ng census sa England at Wales.
Sino ang kailangang sumagot ng census
May mga itatanong ang census tungkol sa inyo at inyong sambahayan, at mahalagang makibahagi ang lahat ng tao sa England at Wales.
Dapat kayong sumagot ng census alinsunod sa batas
Paglabag sa batas ang pagbibigay ng maling impormasyon o hindi pagsagot ng census, at maaari kayong pagmultahin ng hanggang £1,000. May mga tanong na malinaw na nilagyan ng label na hindi mandatoryo. Hindi paglabag sa batas kung hindi ninyo sasagutan ang mga ito.
Pamamalagi sa UK sa loob ng wala pang tatlong buwan
Hindi kayo responsable sa pagsagot ng census kung namamalagi kayo sa UK sa loob ng wala pang tatlong buwan. Maaaring magtanong sa inyo ang may-ari ng inyong tinutuluyan upang masagutan nila ang census tungkol sa mga taong namamalagi sa sambahayan.
Kailan dapat sagutan ang inyong census
Ang lahat ng sambahayan ay dapat sumagot ng census sa Linggo, Marso 21, 2021, o sa lalong madaling panahon pagkatapos nito.
Maaaring nagbago ang inyong sitwasyon sa panahon ng pandemya ng coronavirus. Sagutan ang lahat ng tanong batay sa inyong kasalukuyang sitwasyon.